Puerto Princesa · 客房里的合住房间 · 1室1床2.0卫 · 可住1人 · Female Dorm @GreenTurtlePH Puerto #502
Ang Green Turtle ay perfect alternative accommodation from hotels na sakto para sa grupo at solo travelers. Ito ay nasa San Jose New Market Puerto Princesa at ilang hakbang lang sa accommodation ang San Jose Bus Terminal na may biyahe patungong El Nido, Port Barton, at other major destinations. Ang Green Turtle ay small family-run budget accommodation, kaya medyo chaka pero flexible at friendly naman ang mga magaabang sa inyo. Kayo po ay tutulungan nila Mama Bing sa pangangailangan sa Palawan. Ang bunk bed na inyong tutulugan ay may makapal na foam, may isang kurtina, unan at blanket. Aircon at nasa first floor ang dorm room, may dalawang puwede na paliguan sa loob, at may malalaking free individual lockers. Sa harap ay may balcony na facing the road and new market. Sa likod naman ay ang shared common area, kitchenette, at additional outside toilet. Magdala ng padlock, towel, music or speaker, pati na rin drinks and crakers na puwede i-share sa kasamahang local o foreigner na manglalakbay pagdating ng gabi para happy ang lahat. Inererecomenda na 16 years old and above lang po sa dorm halintulad sa backpacking standards sa hostel ng ibang mga bansa.
Malalapit na shops, puntahan, at landmarks sa may Green Turtle at mga
Ilang recommended na mga activities:
Night (7pm to 8pm; 1hr): Bisitahin ang makulay na San Jose New Market at litratuhan ang mga fresh vegetable and seafoods ng Palawan. Ipamilyar ang sarili sa San Jose Bus Terminal at sa mga oras na byahe ng mga sasakyan. Intindihin ang kultura at local na pamumuhay ng Puerto Princesa.
Night (8pm to 10pm; 2hrs): Lumakad at kumain sa Ka Inato San Manuel Restaurant. Reasonable na kainan at may magandang feel good ambiance pagmedyo madilim na sa gabi at walking distance lang from accommodation.
Night: (10pm to 12pm; 2hrs): Bumili ng inumin sa labas (Go-land sa palengke, Massway, or Robinsons) at dalahin sa common space area ng Green Turtle Backpackers. Humiram ng mga baso at i-share ang inyong inumin at crackers sa ibang mga travelers. Makipagkilala at makipagkaibigan sa iba pang mga local at foreigner na manglalakbay.
Early Morning (5.30am to 8.30am; 3hrs): Lumakad or go jogging patungo sa formerly Palawan Sports Complex. Kuhaan din ng litrato ang Palawan State University, Palawan City Hall, at ang newly developed open park area para remembrace sa inyong mga social media. Lahat po ay within reasonable walking distance lang sa Green Turtle at maiging puntahan habang hindi pa mainit ang araw o wala pang traffic at mga alikabok sa kalsada.
Whole day: (9am to 4.30pm; whole day) Magbook ng day tour to Puerto Princesa Underground River. Kayo ay susunduin ng van sa Green Turtle at ibabalik din ng van sa hapon sa Green Turtle. Pagmasdan ang mga iguana, monkey, at of course beauty ng UNESCO heritage national park. Sa kasalukuyan ito ay nasa around PHP2500/person after Covid. Mama Bing can arranged the booking.
Whole day: (9am to 4.30pm; whole day) Magbook ng Honda Bay islang hopping day tour. Susunduin kayo ng van sa Green Turtle at ibabalik din ng van sa hapon sa Green Turtle. Relax, meditate, at magswimming at snorkling tabi ng mga coral areas. Mama Bing can arranged the booking.
Any time: Hindi kalayuan ang Robinsons Place Palawan sa accommodation. Para sa mga active maglakad mga 6 blocks ito sa accommodation at nilalakad lang ng aming mga staff at mga foreign tourists. Alternatively, napakaraming jeep at multicab na dumaraan galing sa San Jose New Market patungo Robinsons at vice versa PHP12 to 15 per ride. Ang Robinsons ay may complete Cash Machine networks, local café, kainan, at cinema.
Any time (whole day): Sumakay ng jeep or multicab from San Jose New Market to old market o bayan (around PHP16) or to Cathedral (around PHP18). Bisitahin ang Palawan Museum sa umaga sa may Mendoza Park. After lunch bisitahin ang Plaza Cuartel, Cathedral, at Baywalk. Early evening mag jeep anywhere in Rizal Avenue pabalik ng San Jose New Market. Makipagforge ng friendship sa Green Turtle backpacker guests sa gabi.
Kapag Galing sa Airport:
Lumakad palabas ng airport gate compound. Hindi na kailangan tumawid ng kalsada. Pumara ng jeepney or multi-cab na may karatulang to San Jose New Market. Maghanda ng mga bariya na pambayad at ipaalam sa driver pati na rin sa mga pasahero na patungo kayo sa Green Turtle Backpackers sa New Market na ang palatandaan ay katabi ng Manal Store or Mhluillier Pawnshop. Ibababa kayo ng driver sa kanto at maglakad lang ng less than 1minute patungo sa accommodation.
Ang alternative at pinakamadali ay itanung sa airport police or airport staff kung saan ang pila for tricycle association sa loob ng airport compound. Meroon po sila na fixed fare to certain locations per tricycle hire to Green Turtle at good for 3 persons, pero puwede pa rin ipilit ang up to 4 kapag maliliit lamang ang inyong mga bagahe or you are travelling light.
Patungo sa Next Destinations:
To El Nido – puwede kayo magbyahe s aumaga after magcheck-out sa Green Turtle o kaya pagkatapos ng inyong underground river or Honda Bay island hoping tour sa hapon. Unlike from other accommodation, hindi na ninyo kailangan magmadali at mamasahe pa muli sa tricycle or jeep patungo ng San Jose Bus Terminal. Dahil sa waking distance from accommodation, mas relax at mabilis ninyo maaabutan ang iba't ibang travel time ng mga sasakyan.
To Port Barton and others – best time na magtravel sa umaga after magcheck-out sa Green Turtle. Enjoy the jungle at island life scenery habang maliwanag pa. Mainam din na may allowance time kayo incase na may mga abirya.
自我介绍
Ang isla po ng Palawan ay aming tahanan. Nandito po kami sa Green Turtle para makapagbigay ng reasonable price, safe accommodation, at more cool exciting ways para tuklasin ang aming lokal na kultura sa inyong paglalakbay. Si Mama Bing at ang team ay sumusuporta sa community-based tourism at sa mga solo backpackers ng Pilipinas.
安心房源保障 人工审核所有中国房源信息,入住更安心
专业中文客服 通过客服电话、线上客服、智能客服助手等渠道,为您提供全方位服务
旅行安全保障 多重风险控制设计,全方位保障您的行程安全